Wednesday, November 18, 2009

Ang Batang si Regie


Regie ang tawag sakin. Ako ay isang simpleng tao na isinilang at lumaki sa Hilltop. Isang lugar kung saan naging kilala sa tawag na "iskwater" at pinamamahayan ng iba't-ibang klase ng tao. Pangkaraniwan ang hindi nakatapos ng pag-aaral at maingay na pamumuhay.

Pangalawa ako sa magkakapatid. Ang aming panganay na sya kong naging idolo at kaibigan sa paglaki at pagharap sa mga problema lalong-lalo na sa pag-aaral. Matalino ang kuya ko, naging mabuting example sya sa aming eskwelahan simula elementary, high school at college. Pati sa lugar namin at Barangay. Naging leader sya ng kabataan sa mahabang panahon at nagsilbi rin bilang SK councilor.

Gusto kong tularan ang kuya ko sa maraming bagay. Kaya nagpursigi ako na sundan ang kanyang yapak. Naging leader din ako ng kabataan sa aming lugar at pinilit ko ring makatapos ng pag-aaral. Hindi sa gusto kong maging sya, bagkus ay naging inspirasyon sya sa akin.

Nasabi ko nga kanina na lumaki kami sa lugar na iskwater. At masayang-masaya ako dahil kabilang kami sa iilang tao na lumaki sa hilltop na nakatungtong ng college at nakapagtapos ng pag-aaral. Ito ay sa kabila ng mahirap naming pamumuhay.
Public Student
Proud ako sa aming magkakapatid dahil nakatapos kami ng pag-aaral kahit kami ay mahirap lang. Nag-aral kami sa mga public school at naging maganda naman kahit papaano ang naging experience namin. Naranasan ko rin lumaban at manalo sa mga contest sa school gaya ng math, science, social studies at drawing contest. Salamat sa suporta ng aming mga magulang, kaklase at mga guro.



Average student lang ako. Paminsan-minsan ay sinisipag mag-aral, pero madalas ay tinatamad. Mahilig din kasi ako sa barkada eh. Naranasan ko rin ang mag-cutting classes at tumambay kung saan-saan. Tambay sa mga benches ng Rizal High, basketball sa iba't-ibang court na malapit sa mga kaklase ko, at syempre mag-window shopping sa Shangrila at Megamall.

Sa kabila ng mga kalokohan ko nuong ako ay estudyante pa, nagagawa ko parin makahabol sa klase at mapasama sa top ten. Mahilig kasi ako maghabol pagdating sa huli. Nagpupuyat sa mga projects, nanghihiram ng notebook sa mga kaklase kong babae at magpupuyat ulit kumopya. Hindi din ako mahilig magreview kung may exam lang. Mahilig kasi ako magbasa ng libro kahit papaano. So sa ganitong style, naka-graduate ako.

PUPian
Hindi madali na makapasok sa PUP. Nasabi ko 'to kasi sa aming section (33) ako lang ang nakapasa sa PUP. Hindi naman siguro magtataka ang mga kaklase ko kasi ako rin ang top one sa klase namin hehe. Yabang ko no? Uu, marami nga ang nayayabangan sa'kin.
Sa PUP, ganon parin ang style ko tulad ng dati. Bale wala sa una, at hahabol nalang sa huli. Ang problema, limang buwan lang pala ang duration ng klase. Hay nako, ang dami ko tuloy bagsak.

Pero napaka-memorable ang PUP sa buhay ko. Marami ako na-experience na hindi ko makakalimutan. Sa byahe palang talagang hindi mo na malilimutan. Traffic kasi nuon at aabutin ng dalawang oras bago makarating sa Sta. Mesa galing sa 'min sa Pasig. Yan ay kung makakasakay ka kaagad. Mahirap kasi sumakay nuon. Hindi pa kasi uso dati ang FX. Laging punuan ang mga jeep at kahit sabit ay madalang din. Pabilisan kumilos. Ganun sa umaga pag pasok, ganun din sa gabi pag uwian na.



Maganda sa PUP. Magagaling ang mga Professor. Lalo na ang mga State U graduates na mga Professor namin. Lahat ng naging Prof. namin ay mga Summa, Magna or Cum Laude. Kaya medyo mahirap sila i-please. Kaya napansin ko sa kanila, hindi umuubra yung style ko na sa huli bumabawi. Mahalaga sa kanila yung tinatawag na "first impression lasts". E ang first impression nila sakin ay happy go luck, ayun... kahit anong gawin ko pa sa huli, hindi na sila naniniwala sa kakayahan ko.Na-gain ko lang yung respect nung ibang Professor ko nung time na ng Thesis namin. Kasi sa thesis maipapaliwanag mo ang lahat ng nilalaman ng project nyo kung ikaw talaga ang gumawa.

Sa PUP, marami ako natutunan bukod sa academics. Dito ako nagsimulang mag-collect ng Magic Cards, sumali sa Banda at nakilala ang babaing mamahalin ng habang-buhay.

No comments: