- Regie ang pangalan ko
- wala akong palayaw
- tawag ng mga kamag-anak ko sa 'kin ay "rid-je" kasi ilocano ang punto
- ilocano ang mga magulang ko pero hindi kuripot ang tatay ko. ako? medyo
- lalaki ako, mahilig tumingin sa mga tsikas
- lumaki ako sa Hilltop sa Pasig
- laking iskwater, nakatira sa kawilihan gilid.
- hindi ako nakatikim ng private school
- ako lang ang nakapasa sa P.U.P. sa section namin
- nanalo paminsan-minsan sa mga quiz bee at on-the-spot painting contest
- consistent top students sa mga lower sections
- graduate sa Rizal High bilang top one sa section 33
- graduate ako ng P.U.P. sta. mesa
- nakikipag-unahan sa tren para hindi ma-late nung college lalo sa R.O.T.C.
- mahilig magpa-refill ng lugaw
- mahilig sa banda
- mahilig mag-gitara
- music lover
- halos lahat ng klase ng tugtog pinapatulan
- pwera lang sa mga kanta ni willie revillame
- scholar ng bayan
- scholar ng pasig
- nag-aral ng pagiging ekonomista
- hindi nagtagumpay sa pagiging ekonomista... weh...ang hirap kaya.
- walang tiwala ang mga halos lahat ng prof. ko sakin sa economics
- mahilig kasi ako maglakwatsa sa umpisa at babawi sa huli
- madalas bagsak sa prelim at midterm
- laging highest sa finals
- laging akala ng mga prof ko may leakage kapag highest ako sa mga exam
- naging leader ako sa thesis namin
- Highest ang group namin sa thesis at kami lang ang nakapasa sa batch namin
- naiinis ako sa bobong mayabang
- naniniwala sa kasabihang ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw
- mahilig akong magbasa, manuod ng t.v. at mag-sound trip.
- naging taga-pala ng sabon
- naging photographer sa ermita
- naging statistician sa labor
- ngayon ay nagtuturo
- empleyado ng gobyerno
- nakikipagsiksikan sa ilalim ng city hall tuwing akinse at katapusan
- parokyano nila grace at ate myrna sa grupong city hall 56ers
- limang taon na pero casual pa rin (salamat sa head namin)
- Tesda certified data encoder with 65 words per minute
- PC Operations National Certificate NC2 passer
- Civil Service Commission Professional Eligibility passer
- Assessor Methodology / Trainer Methodology Assessment passer
- isa sa pinaka-batang instructor sa pinagtatrabahuan
- mas nagmamarunong pa kesa sa mga senior instructors
- mahilig mag-sarili (self-study ibig kong sabihin)
- namulat sa windows 95
- nahilig sa windows 98, 2000, M.e., Xp, at Vista
- kasalukuyang gumagamit ng Ubuntu Linux at Windows 7
- naniningil ng 500 matapos may ayusin na computer
- tamad mag reformat
- tulog ng tulog, puyat
- kain ng kain, payat
- favorite ko ang jollibee chikenjoy
- ayaw ng mga cakes and chokolates
- cooking master ng mga pulutang pinoy
- tiga-laba tuwing sabado
- tiga-iron man naman tuwing linggo
- amo ng aso nyang si Tisay
- asawa ni Inday
- daddy ni Yuna
Just another "adventures of" blog of an ordinary daddy, techie, guitarist, artist, fire and rescue volunteer all rolled into one.
Monday, November 2, 2009
Ako si Regie
Aha! And you really want to know more about me huh? :) Well then, meet the humble author of this blog. Ako si Regie and I would like you to know that only few who knows me really know a lot about me. Ang gulo ko no? Yes, talagang magulo ako. And konti lang ang nakakapagpasensya sa takbo ng utak ko. Halos konti lang din ang nakaka-usap ko ng matino. Hindi kasi ako mahilig makipag-kwentuhan. Here's some information that I would like to share with you.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment